-- Advertisements --
Nagpalipas ng gabi ang ilang pasahero sa labas ng Manila North Port passenger terminal matapos silang ma-stranded dahil sa kulang ang kanilang requirements na itinakda ng local government units na kanilang pupuntahan.
Karamihan sa mga pasahero ay pawang bakunado na kontra COVID-19, pero ilan sa kanila ay expired na ang dalang RT-PCR test results.
Kaya naman sa pira-pirasong karton na lamang natulog ang ilan sa kanila, na ang iba ay wala nang suot na face mask.
Wala na ring physical distancing sa mga natulog na lamang sa sahig na mga stranded na pasahero.
Umaapela ang mga pasaherong ito sa mga LGUs na gawing madali para sa kanila na makauwi sa probinsya sakay ng mga barko.










