-- Advertisements --
image 250

Dahil sa nationwide transport strike na nakatakda sa Lunes, Oktubre 16, ilang paaralan na sa Metro Manila ang nag-anunsyo na pansamatala muna silang lilipat sa online classes.

Ang welga ay pangungunahan ng transport group na Manibela. Dahil sa ipinoprotesta nito ang deadline sa Disyembre 31 para sa mandatory jeepney franchise consolidation.

Ang sumusunod ay ang mga paaralan na nagpahayag ng kanilang paglipat sa online classes:

  • Adamson University
  • Ateneo de Manila University
  • De La Salle University
  • Far Eastern University
  • Lyceum of the Philippines University Manila
  • Manila Tytana Colleges
  • National University Fairview
  • National University Philippines
  • Our Lady of Fatima University
  • Polytechnic University of the Philippines
  • UERM Memorial Medical Center
  • University of the East
  • University of Santo Tomas