-- Advertisements --
Inaasahang susunod na rin na mag-aanunsiyo ang ilang oil companies ng kanilang ipatutupad na oil price rollback bukas.
Una rito, nag-anunsyo na ang Pilipinas Shell at Seaoil ng kanilang ipatutupad na oil price adjustment.
Para sa presyo ng diesel, nasa P2.80 ang bawas sa kada litro.
Mas mababa naman ang bawas sa kada litro ng kerosene na P2.10 habang ang gasolina ay nasa P0.75 lamang ang bawas sa kada litro.
Parehong adjustment naman ang ipatutupad ng Petro Gazz at Cleanfuel maliban sa kerosene na hindi kasali sa kanilang produkto.
Karaniwang ipinatutupad ang oil price adjustment sa araw ng Lunes at ipinatutupad sa araw ng Martes.