-- Advertisements --

Makakatanggap ng kakaibang gift bags ang ilang mga nominado sa Academy Awards o Oscars ngayong taon.

Sa 22 taon ay inanunsiyo ni Lash Fary ang founder ng Los-Angeles based marketing company na Distinctive Assets ay naglagay ng mga pinaghalong treats.

Ibibigay ito sa mga piling mga 25 nominado sa Academy Awards.

Ang swag bag ay kinabibilangan ng 60 mga gamit na nagkakahalaga ng $170,000 na kasama rito ang pinakamahal na $50,000 dollar trip sa Swiss Alps.

Ilan sa mga laman nito ay mga beauty products, movie-inspired chocolates, gourment popcorn, sleep aide products ganun din ang Rubik’s Cube.