-- Advertisements --

Kinansela ng singer na si Pink ang kaniyang mga shows dahil sa medical issue sa kaniyang pamilya.

Sa kaniyang social media account ay inanunsiyo ng singer ang pagkansela ng mga shows nito sa Tacoma sa Washington.

Dahil dito ay humingi ito ng paumanhin sa mga fans na nadismaya dahil sa kanselasyon ng show.

Hindi naman nito nilinaw ang naging sanhi at anong uri ng family health issue ang kaniyang tinutukoy.

Magugunitang noong Setyembre ay kinansela na rin nito ang show sa Texas dahil sa sinus infection at ito ay itutuloy na lamang sa Nobyembre.

Sa pinakahuling kanselasyon ay hindi pa nito binanggit kung kailan ito matutuloy.