-- Advertisements --
Pinangunahan nina NBA legend Kareem Abdul-Jabbar at Shaquille O’Neal sa mga sikat na personalidad na magiging virtual audience sa unang laro ng NBA Finals sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Miami Heat.
Ilan sa mga kasamang magiging audience ay ang mga NBA legends gaya nina Bill Walton, Clyde Drexler, Dirk Nowitzki, Dwayne Wade, Isiah Thomas, James Worthy, Julius Erving, Manu Ginobli, Robert Parish at maraming iba pa.
Kasama ring magiging audience ang napili ni Lakers star LeBron James na mga 40 na first time- poll workers para sa kaniyang “More Than A Vote” campaign.
Magugunitang walang pinayagang mga live audience sa ipinatupad na NBA bubble format sa Orlando, Florida dahil sa coronavirus pandemic.