-- Advertisements --

Nais ng ilang mambabatas sa US na panagutin si US Defense Secretary Lloyd Austin matapos na hindi niya ipinaalam sa White House na ito ay na-confine sa pagamutan.

Kabilang din si Deputy Secretary of Defense Kathleen Hicks ay walang impormasyon kung nasaan si Austin noong siya ay pansamantalang italaga sa opisina.

Nitong araw lamang ng Huwebes ng malaman ng White House na nasa pagamutan pala si Austin.

Una ng inako ni Austin ang sisi ng hindi nito ipaalam na dinala siya sa Walter Reed medical center matapos ang kumplikasyon na natamo mula sa dating operasyon niya.

Patuloy ang pagpapagaling ni Austin sa pagamutan bago ang tuluyang pagbabalik sa trabaho.