-- Advertisements --

Ilang libong trabaho ang inaasahang maibabalik kasunod nang pagbaba ng quarantine restrictions sa Alert Level 2, ayon sa opisyal ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP).

Sinabi ni ECOP president Sergio Ortiz-Luis Jr. na mas marami na kasing mga negosyo ang madadagdagan ang kanilang operating capacity dahil sa pagluluwag sa quarantine restrictions sa Metro Manila.

Magugunita na ang National Capital Region ay inilagay sa ilalim ng Alert Level 2 mula Nobyembre 5 hanggang 21, kasunod na rin nang pagbaba naman ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19.

Sa ilalim ng kasalukuyang restrictions na ito, pinapayagan na makapag-operate ang mga establisiyemento sa 50 percent ng kanilang indoor seating capacity at karagdagang 10 percent pa kung mayroon silang safety seal.

Aabot naman sa 70 percent ang outdoor capacity na pinapahintulutan.