-- Advertisements --

Inilikas ang ilang libong residente ng Indiana dahil sa pagkasunog ng plastic recycling facility sa Richmond.

Bagamat nakontrol na ang sunog ay nananatili pinayuhan pa rin ng mga otoridad na huwag bumalik sa kanilang tahanan dahil sa amoy na nagmumula sa nasunog na pasilidad.

Wala namang nakitang mga nakakalasong kemikal ang Environmental Protection Agency (EPA) na maaring magdulot ng hindi maganda sa kalusugan ng mga residente doon.

Patuloy na inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog habang nabigyan ng pansamantalang masisilungan ang mga lumikas na residente.