-- Advertisements --

Nag-anunsiyo na ang ilang kumpanya ng langis ng kanilang ipatutupad na oil price rollback.
Ang Pilipinas SHELL ang unang nag-anunsiyo na epektibo ang kanilang tapyas sa gasolina, diesel at kerosene dakong alas-6:00 ng umaga bukas.
Ang gasolina ay mayroong rollback na P1.95 kada litro.
Mas mababa naman ang tapyas sa kada litro na P1.90 kada litro habang ang kerosene ay may bawas na P1.65 kada litro.
Asahan namang susunod na ring mag-anunsiyo ang iba pang kumpanya ng langis sa kanilang ipatutupad na oil price adjustment.
Ito na ang ikatlong sunod na linggo na nagpatupad ang mga oil companies ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.










