-- Advertisements --
image 41

Humabol pa ang ilang mga kumpanya ng langis na magpatupad ng dagdag-presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ngayong araw, Nobiembre-2.

Kadalasan, isinasagawa ng mga kumpanya ng langis ang pagdagdag ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo sa unang araw ng buwan.

Ilang mga kumpanya na ang nag-anunsyo ng taas presyo, epektibo kahapon, Nobiembre-1.

Ngayong araw, inanunsyo ng ilang mga kumpanya ang pagdadagdag nila ng presyo ng kanilang mga produktong langis.

Naglalaro ang dagdag-presyo sa P.25 kada litro ng LPG.

Ibig sabihin, ang tipikal na 11kgs na LPG ay madadagdagan ng P2.75 hanggang P3.00. na presyo.

Samantala, sa naunang abiso ng mga kumpanya ng langis na nagtaas ng presyo ng kanilang mga panindang LPG kahapon, umabot ng P.45 ang itinaas ng kada kilo nito.

Nangangahulugan ito ng P4.95 hanggang P5.00 na itinaas ng kada-11kgs ng LPG