-- Advertisements --

Kinontra ng commuter’s advocacy group ang ipinapatupad na libreng sakay sa publiko.

Sinabi ni Elvira Medina ang chairperson ng National Center for Commuter Safety and Prevention na kahit maganda ang intensiyon ng nasabing programa ay dapat mas lalong pagandahin pa ng gobyerno ang public transportation.

Dapat ang transport system ay mabenipisyuhan ang mga commuters kaysa sa mga private motorist.

Magugunitang ipinatupad ng MRT-3 at EDSA bus Carousel ang libreng sakay ng hanggang katapusan ng Hulyo.