-- Advertisements --
Tiwala si Kiefer Ravena na kayang-kaya ng Gilas Pilipinas ang makakaharap nila sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa susunod na linggo.
Ito ay kahit na hindi makakasama ng national basketball team si Jordan Clarkson.
Mula ng dumating sa bansa si Ravena kasama ang kapatid nitong si Thirdy ay agad na silang sumabak sa ensayo ng Gilas Pilipinas.
Dagdag pa nito na maraming mga manlalaro ng Gilas ang kayang punan ang papel na ginagampanan ni Clarkson.
Magugunitang hindi makakasama ng Gilas si Clarkson dahil sa conflicts sa schedule sa pagganap nito ng kaniyang tungkulin sa NBA.
Makakaharap ng Gilas ang Jordan sa Nobyembre 10 habang ang Saudi Arabia naman ay sa Nobyembre 13.