-- Advertisements --

ILOILO CITY – Isinailalim sa lockdown ang Barangay Sto. Rosario sa bayan ng Buenavista, Guimaras.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mayor Eugene Reyes, sinabi nito na lumobo sa 20 ang bilang active cases sa nasabing barangay.

Ang active cases ay ang mga indibidwal na tinamaan ng COVID-19 at hindi pa gumagaling.

Samantala, ipinatupad naman ang “surgical lockdown” sa Purok Mainuswagon, habang “street lockdown” naman sa Purok Mabinuligon.

Ayon sa alkalde, tatagal ng 14 na araw o dalawang linggo ang nasabing lockdown.

Nagpapatuloy naman ang contact tracing at disinfection sa mga lugar na sakop ng mahigpit na panuntunan. -CJY