-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nasa pitong bahay ang nasira sa Barangay Dawis Norte, Zarraga, Iloilo, kasunod ng buhawing dumaan sa nasabing lugar.

Dalawa sa mga bahay ang “totally damaged” at lima ang partially damaged.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Rey Pueyo, hepe ng Zarraga Municipal Police Station, temporaryong nananatili ang mga biktima sa bahay ng kanilang mga kamag-anak.

Nagpaabot na rin ng tulong ang local government unit sa mga apektadong residente.