-- Advertisements --

Patay ang dalawang Koreano habang ilang atleta naman ang nagtamo ng sugat matapos gumuho ang dalawang palapag na nightclub sa Gwangju, South Korea.

Base sa nakalap na reports ng mga otoridad, kalahok ang siyam na atletang sugatan sa 2019 FINA aquatic World Championships.

Ilan din sa mga nasaktan ay mula sa United States, New Zealand, Netherlands, Italy at Brazil.

Nagtamo ng sugat at mga hiwa sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima.

Hindi naman nagbigay ang mga otoridad ng iba pang detalye kung ilan pang katao ang namatay o nasugatan dahil sa insidente.

Patuloy naman na nagsasagawa ng imbestigasyon patungkol dito ang pulisya.