-- Advertisements --

Para maiwasang lumobo sa 4.2 million households ang magugutom at mawawalan ng hanapbuhay, itinutulak ni House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda ang pagkakaroon ng ikatlong bugso ng Social Amelioration Program (SAP).

Inaasahan na kasi na darami pa ang bilang ng mga mawawalan ng trabaho na aabot sa 3.6 million hanggang sa katapusan ng Hulyo, 31, 2020, ayon kay Salceda.

Nakikitang madaragdagan pa ang bilang na ito ng 1.7 million bago matapos ang third quarte ng kasalukuyang taon.

Kaya naman itutulak ni Salceda ang pagkakaroon ng SAP 3 sa ilalim ng ikatlong stimulus package na ipapasok naman sa 2021 national budget.