Sa unang pagkakataon ay umabot sa finals ng Cincinnati Open si World No. 2 Iga Swiatek, kasunod ng kaniyang panalo laban kay Elena Rybakina, 7-5, 6-3.
Sa pag-usad niya sa finals, makakaharap niya si World No. 4 Jasmine Paolini
Ang dalawang tennis star ay kapwa nagtatangkang gumawa ng kasaysayan sa pagsabak sa finals kung saan para kay Paolini, ito ang kanyang ika-apat na title kung maipapanalo ang haban.
Ito naman ang ika-13 finals appearance ni Swiatek sa mga tennis competition na may 1000 level.
Sa limang naunang pagharap nina Swiatek at Paolini, nagawa ni Swiatek na talunin ang Italian superstar. Sa limang matchup, tanging isang set lamang ang naibulsa ni Paolini.
Nagawa rin ni Swiatek na maipanalo ang huling Wimbledon Open nitong nakalipas na buwan.