-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Naglabas ng pahayag si General Santos City Police Office City PNP Director P/Col. Jomar Alexis Yap na nananatiling ligtas ang lungsod sa likod ng serye ng mga insidente ng pamamaril.

Sa kanyang pahayag, tinutukan na ng maigi ng kapulisan ang mga pangyayaring ito upang masolusyunan.

Sa kabilang banda, naglagay na rin ng substation ang mga pulis sa area of ​​responsibility ng Makar Police station sa diversion road upang kaagad ay maka-inspect sa mga lalabas ng lungsod kung may mangyaring masama.

Yun nga lang, ilang araw pa lang ng installation sa nasabing substation, bininyagan kaagad ito ng insidente ng pamamaril.

Ang Labangal kasi na sakop ng area of ​​​​​​responsibilities ng Makar Police station ay kilala sa maraming kaso ng pamamaril sa lungsod.

Dahil sa nangyaring serye ng shooting incidents, naglabas na rin ng warning ang local chief executive sa pamamagitan ng city administrator na kung hindi mag ” Shape up ” ang City PNP Director ay mas mainan na mag “Ship out” na lamang ito.