-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Ginulantang ng pagsabog ang probinsya ng Cotabato dakong alas-9:35 kaninang umaga lamang.
Ayon kay Kabacan Chief of Police Lieutenant Colonel John Miridel Calinga, sumabog ang hindi pa matiyak na uri ng bomba malapit sa isang voting precienct sa Barangay Poblacion sa Kabacan, Cotabato.
Walang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa mga miyembro ng Electoral Board at mga botante sa bayan ng Kabacan.
Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa nagpapatuloy na halalan sa North Cotabato.