-- Advertisements --

Pumanaw na ang sikat na TV sitcom at movie producer na si Norman Lear sa edad na 101.

Kinumpirma ng pamilya nito ang pagpanaw ni Lear sa kaniyang bahay sa Los Angeles.

Ilan sa mga pinasikat nitong mga sitcom ay ang “All in the Family” at “The Jeffersons”.

Nagsimula ang “All in the Family” sitcom noong 1971 na tumalakay sa usapin ng racism, feminism at social inequalities.

Nakagawa rin ito ng mga documentary gaya ng “Four Trails” tungkol sa mga magagandang lugar sa Hong Kong at ilang mga aktibidad doon.

Tatlong beses itong ikinasal na ang huli ay ang asawang si Lynn noong 1987 na sa kabuuan ay mayroon itong anim na anak at may 57-taon na pagitan sa pinakapanganay at bunsong anak nito.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilang mga fans at nakasama ni Lear sa telebisyon at inalala nila ang mga magandang likha nito.