Napatawad na raw ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin, Jr. ang bansang Iceland matapos hilingin sa United Nations kamakailan ang pagsilip sa sitwasyon ng human rights sa Pilipinas.
Sa kanyang online post sinabi ni Locsin na tapos na ang mainit na diskusyon tungkol sa Iceland resolution dahil hindi rin naman ito natuloy.
Pinuri rin ng kalihim ang larawan ng barko ng Philippine Coast Guard at crew nito na nasa France ngayon para sa isang training.
“Vive l’France!!!!! The Iceland Resolution is forgiven; it was nothing anyway. As I always say, the French always do it better—love and war and anything in between. I’m gonna kiss the hull of that boat,” ani Locsin.
Kung maaalala, 18 bansa ang sumang-ayon sa resolusyon ng Iceland noong Hulyo.
Hindi umubra rito ang 14 na kumontra at 15 bansa na bumotong abstain.
Sa kabila ng hindi natuloy na UN observation, nanindigan si Locsin laban sa planong pagsilip ng mga dayuhan sa sitwasyon ng bansa.
Ayon kay Locsin, hindi niya hahayaang makalusot ang sino mang foreign observer dahil tiyak na ipapahiya lang nito ang mga Pilipino.
Nilinaw din nitong hindi kakalas ang Pilipinas sa UN Human Rights Council.