-- Advertisements --

Inanunsiyo ni International Criminal Court chief prosecutor Karim Khan KC na nag-apply na sila ng arrest warrants laban kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at Hamas Leader sa Gaza na si Yahya Sinwar.

Sinabi nito na mayroon reasonable ground na ang dalawa ay responsable sa war crimes against humanity noong Oktubre 7, 2023.

Kasama rin na pinapaaresto ang dalawa pang Hamas leaders na sina Ismail Haniyeh at Mohammed al-Masri ganun din si Israeli defence minister Yoav Gallant.

Giit nit Khan na kapwa responsable ang dalawang panig sa pangyayari na ang pag-atake sa Israel ng mga Hamas at ang war crimes at crimes against humanity na ginawa ng Israel sa State of Palestine sa Gaza Strip.