-- Advertisements --

Tiniyak ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakatutok ito sa pinakahuling sitwasyon ng mga residente mula sa Visayas at Mindanao na apektado ng mga pagbaha, bunsod ng shear line rainfall.
Sinabi ni Office of the Press Secretary (OPS) Undersecretary Cheloy Velicaria-Garafil, nasa Palasyo ngayon ang Pangulo, at maya’t maya ang ginagawang pakikipagpulong sa iba’t ibang opisyal ng pamahalaan.
Patuloy ang paghingi ng update ni Pangulong Marcos, kaugnay sa mga assistance na naipagkaloob na sa mga apektadong residente.
Matatandaan na una na ring tiniyak ng Palasyo na makakaasa ang publiko, lalo na iyong mga nananatili sa evecuation center, na kumikilos na ang pamahalaan, upang agad na maipaabot at matugunan ang pangangailangan ng mga ito.










