Nagbabala ang isang medical expert hinggil sa posibilidad na lumubo pa ang bilang ng mga kakalat na sakit dahil sa mababang immunization rate ng bansa.
Sa isang panayam sinabi ni Dr. Edsel Salvana, director ng Institute of Molecular Biology and Biotechnology ng UP Manila, malaki ang epekto ng mababang bilang ng mga nagpapa-bakuna sa paglipana ng iba’t-ibang sakit ngayon.
Batay sa datos ng Department of Health, bumaba sa 40-percent noong 2018 ang immunization rate ng bansa mula sa 70-percent noong mga nakalipas na taon.
Ani Salvana may mga natatanggap na rin silang ulat ngayon tungkol sa pagkalat ng sakit na bulutong, mumps at pertussis o labis na pag-ubo.
Bukod pa ito sa polio, measles at dengue outbreak na idineklara ng DOH.
Naniniwala ang eksperto na makakatulong kung paiigtingin ng gobyerno ang kampanya nito laban sa mga kritiko ng bakuna.