-- Advertisements --

Sinisikap na umanong ayusin pa ng gobyerno ang kahandaan nito sa pagtanggap at pagproseso ng mga nasa 42,000 overseas Filipino workes (OFWs) na inaasahang darating ngayong buwan.

Sinabi ni Task Force COVID Chief Implementer Carlito Galvez, kabilang dito ang paggawa ng electronic data sa pre-departure pa lamang ng mga OFWs sa panggagalingan nilang bansa.

Ayon pa kay Sec. Sec. Galvez, para hindi magkaroon ng congestion sa Metro Manila, gagamitin na rin ang ibang paliparan sa bansa gaya sa Clark at iba pang international airports.

Una ng sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na kokontrolin nila ang pagdating ng mga OFWs para maiwasan maulit ang pagkatengga ng mga OFWs sa mga quarantine facilities bago makauwi sa kanilang mga lalawigan.