-- Advertisements --
image 103

Sunod na ring nag-anunsyo ng kanselasyon ng klase ang iba pang mga City government units dito sa Metro Manila, dahil sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan.

Kaninang umaga, unang inanunsyo ng Marikina, Caloocan, Malabon at Navotas ang kanselasyon sa lahata ng pampubliko at pribadong paaralan.

Sumunod na ring nag-anunsyo ang syudad ng Mandaluyong: Kinder hanggang Grade12(private & public).

San Juan City: Walang pasok sa lahat ng antas(public&private).

Sa Quezon City, una na rin itong nag-anunsyo ng kanselasyon ng klase sa Brgy Bagong Silangan, Brgy Holy Spirit, at Brgy Payatas.