-- Advertisements --
Muling binisita ng International Atomic Energy Agency (IAEA) ang Zaporizhzhia nuclear power plant sa Ukraine na sinakop na ngayon ng Russia.
Ayon kay IAEA Director General Rafael Grossi , na bahagi ito ng pagtitiyak na walang anumang damyos ang planta sa patuloy na labanan ng dalawang bansa.
Nasa planta kasi ang kanilang kasamahan ng mahigit limang linggo na.
Una ng nakipagpulong ito kay President Volodymyr Zelensky at iginiit ito na base sa international law na ang planta ay nananatili pa rin an pag-aari ng Ukraine.
Magugunitang sinakop at inangkin na ng Russia ang ilang lugar kabilang ang planta ng lusubin nila ang Ukraine noon pang Pebrero.