-- Advertisements --

Hindi dapat magmadali ang pamahalaan sa pagluluwag sa quarantine restrictions kahit pa sa mga nakalipas na linggo ay mababa na ang mga naitatalang bagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa health reform advocate na si Dr. Tony Leachon, ngayong Disyembre ay dapat mas naghahanda ang pamahalaan para gawin ang bansa na mas malakas at makabangon kontra COVID-19 pandemic.

Dapat aniyang panatilihin pa rin sa ilalim ng Alert Level 2 status sa kasalukuyan habang inaasahan na mas magiging gala ang publiko ngayong holidays.

Ito ay kahit pa ang positivity rate sa ngayon ay 1.4 percent na lamang bunsod ng aniya’y “very low number” ng COVID-19 cases.

Nauna nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na siya ay pabor sa pagpapanatili ng Alert Level 2 status ngayong Christmas season lalo na at may banta pa ng bagong Omicron variant.