-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Hollywood actor Hugh Jackman at asawang Deborra-Lee Furrness ang kanilang paghihwalay.
Sa inilabas na pahayag ng dalawa, na nagpasya na silang tapusin ang kanilang 27 taon na pagiging mag-asawa.
Nais aniya nilang ipursige ang mga career at individual growth ng bawat isa.
Pagtitiyak nila na magiging prioridad nila ang kanilang pamilya.
Ang dalawa ay ikinasal noong 1996 at sila ay biniyayaan ng dalawang anak na isang 23-anyos na si Oscar at 18-anyos na si Ava.