-- Advertisements --

Nais daw ng Judiciary na madagdagan ang kanilang pondo para sa fiscal year 2023.

Dahil dito, hiniling nila ang karagdagang P2.8 billion na dagdag sa P52.72 billion pesos na budget proposal na nakapaloob sa National Expenditure Program (NEP).

Ginawa nila ito sa pagharap nila sa House Appropriation Committee ngayong araw.

Ang P52.72 billion pesos na budget ay mas mataas ng P5.7 billion sa budget noong 2022.

Ayon kay Supreme Court Board Administrator Raul Villanueva ang orihinal na budget na hiniling nila sa DBM ay nasa P77.18 billion.

Ang karagdagang budget ay gagamitin para sa personal services sa lahat ng mga korte sa bansa kabilang na ang upgrade ng mga salary grade.

Kasama na rin ang budget na gagamitin sa digitalized bar exam sa sa susunod na taon.