Nakiisa ang mga miyembro ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC) sa iba pang mga doktor at pharmacists na tutol sa paggamit ng anti-parasitic drug na ivermectin para sa prevention at treatment ng COVID-19.
Sa isang joint statement, sinabi ng HPAAC na “low quality evidence” ang sinasabi ng mga supporters na epektibo at ligtas gamitin ang ivermectin.
Base sa report ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases (PSMID), sinabi ng HPAAC na walang malakas at conclusive na ebidensyang makakapagsabi na epektibong gamitin ang ivermectin sa mga COVID-19 patients.
Magugunita na noong Abril ay ginawaran ng Food and Drugs Administration ng special permits ang limang ospital para gamitin ang ivermectin sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.
Pero ayon sa HPAAC, hindi kasama sa permit na ito ang pamamahagi ng naturang anti-parasitic drug sa labas ng limang ospital.
Noong nakaraang linggo, namahagi sina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at 1-Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta ng ivermectine capsules sa mga residente ng Quezon City.