Kinuwestiyon ni US House Speaker Nancy Pelosi ang tila pagmamadali ni President Donald Trump sa confirmation ni Amy Coney Barrett.
Sinabi ni Pelosi na nababahala ito na sa ginawang pagtala kay Barrett ay mawawala na ang Affordable Care Act.
Kaya aniya nagmadali si Trump para may maisalpak ito sa oral arguments sa darating na Nobyembre 10.
Ang nasabing Affordable Care Act ay siyang ipinalit sa Obamacare.
Magugunitang itinalaga ni Trump si Barrett bilang susunod na Supreme Court justice kung saan ikinagalit ng ilang mga Democrats gaya nina Pelosi at Senate Minority Speaker Chuck Schumer dahil baka maantala pa lalo ang access to health care.
Ang 48-anyos na si Barrett ay siyang pangatlong justice na itinalaga ng kasalukuyang Republican president matapos kina Neil Gorsuch noong 2017 at Brett Kavanaugh noong 2018.
Sa kaniyang talumpati, inamin nito na isang hamon para sa Democrats ang pagkakatalaga sa kaniya.
Bagamat sinabi nito na nakatutok siya sa trabaho ay hindi naman nawawala ang pagiging “Room parent, carpool driver at birthday party planner”.