Naniniwala si House Committee on Public Accounts chairman Jose Bonito Singson Jr. na mayroong basehan para tawagin na iligal ang paglipat ng Department of Health ng nasa P42 billion patunong Department of Budget and Management-Procurement Service (DBM-PS).
Sinabi ni Singson sa isang panayan na mayroon naman kasi anyang sariling budget ang DBM para sa mga programa at proyekto nito.
Iginiit ng kongresista na walang discretionary powers ang DOH sa paglilipat ng kanilang pondo na inaprubahan ng Kongreso.
Kahit nga ang Commission on Audit ay mawiwindang din aniya sa kung paano nagamit ang pondo kung ito ay inilipat mula sa isang ahensya patungo sa iba.
Sa pagdinig ng Senado kamakailan, kinuwestiyon ang DOH sa biglaan paglipat ng P42.4 billion pondo sa DBM-PS kahit pa kaya naman ng mga health officials na magsagawa ng kanilang sariling procurement biddings.
Ang usapin na ito ay ipinunto rin ng COA sa kanilang 2020 audit.










