-- Advertisements --

Mariing itinanggi nina Representative Paolo Ortega V at Rep. Janette Garin ang alegasyong may suhol o pamimilit sa botohan ng House Committee on Justice na nagdeklara ng probable cause laban kay VP Sara Duterte.

Ayon kay Ortega, “walang basehan” ang claim na may P1.3-bilyong “appearance fee,” at iginiit na ang unanimous na 53-0 boto ay nakabatay sa dokumento, testimonya, at financial records.

Pinamunuan ni House Committee Chair Rep Gerville Luistro ang pagdinig kung saan nagkaisa ang panel noong Abril 29.

Sinabi naman ni Garin na “walang katotohanan” ang bribery at coercion claims, at binigyang-diin na mabigat ang ebidensyang iniharap laban sa bise presidente, na aniya’y hindi nasagot dahil hindi ito dumalo sa hearings.

Kapwa iginiit ng dalawang lider na ang mga alegasyon ay diversion lamang at paninira sa proseso, at hinamon ang kampo ni VP Duterte na sagutin ang isyu sa tamang constitutional forum sa ilalim ng impeachment proceedings. (report by Bombo Jai)