-- Advertisements --

Tiniyak ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na walang rigodon na mangyayari sa iba pang posisyon sa Kamara sa oras na siya ay maupo na bilang Speaker.

Ginawa ni Oriental Mindoro Rep. Salvador Leachon ang naturang pahayag bilang sagot sa sinabi ni Deputy Speaker Luis Reymund Villafuerte na mapapalitan ang chairmanships ng ilang komite ng Kamara sa oras na maging Speaker na si Velasco.

Sa isang panayam, sinabi ni Villafuerte na nabasa niya sa balita na papalitan ang chairman ng Committee on Appropriations, Good Government and Countability, at Franchise sa oras na magkaroon nang pagbabago sa House leadership. 

Sa oras na mangyari ito, sinabi ni Villafuerte na malalabag ang term-sharing agreement na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte para kina Velasco at incumbent Speaker Alan Peter Cayetano.

Pero ayon kay Leachon, walang katuturan ang haka-haka na ito sapagkat pumayag sa term-sharing deal si Velasco na tanging ang speakership post lamang ang magbabago.