-- Advertisements --

Isiusulong ng Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) Party-list group ang panukalang batas na P1000 buwanang allowance para sa mga mahihirap na persons with disabilities (PWDs bilang karagdagan sa kanilang pinansyal

Inihain nina ACT-CIS Reps. Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, at Jeffrey Soriano ang House Bill No. 1754.

Sa ilalim ng panukalang batas, minimandato ang epartment Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng monthly subsidy na P1000 para sa mga eligible indigent PWDs para i-augment ang kanilang arawang pangangailangan.

Ang naturang panukalang batas ang magtitiyak na hindi maabuso ang naturang social service aid dahil nakasaad din naturang House Bill ang mga sanctions na maaaring kaharapin sakaling makatanggap ng buwanang allowance kapag hindi ito eligible.