-- Advertisements --

Pumanaw na ang komedyanteng si Alex Doung sa edad na 42.

Kinumpirma ng pinakamalapit na kaibigan ng pamilya na si Hilarie Steele ang pagpanaw ng aktor dahil sa ilang taon na pakikipaglaban sa cancer habang nakaratay sa St. John’s Hospital sa Santa Monica, California.

Noong nakaraang taon ay na-diagnosed ang actor ng alveolar rhabdomyosarcoma na isang uri ng agresibong cancer matapos na makaranas ng pananakit ng ulo at mata.

Lumabas ang aktor sa ilang pelikula sa Hollywood.
Noong nakaraang taon ay nagsagawa ng benefit show ang mga komedyanteng sina Ronny Chieng, Atusko Okatsuka at iba pa na ginanap sa Largo sa Los Angeles.