-- Advertisements --
Ibinunyag ng Hollywood actress na si Salma Hayek na muntik na itong mamamatay matapos dapuan ng COVID-19.
Ayon sa 54-anyos na actress na pinayuhan na siya ng kaniyang doctor na magpa-confine sa pagamutan subalit mas pinili nitong manatili sa kanilang bahay.
Mas nananaisin aniya nitong mamatay sa kaniyang bahay kaysa magpa-confine sa pagamutan.
Umabot pa sa mahigit pitong linggo ito ng nag-self-isolate sa bahay nito sa London.
Nakahiwalay ito sa sariling kuwarto mula sa kaniyang asawang si Francois-Henri Pinault at ang anak nilang si Valentina.
May isang pagkakataon pa aniya na nilagyan pa siya ng oxygen.
Labis naman ito ng nagpasalamat dahil nalagpasan niya ang nasabing virus.