-- Advertisements --

Sumama na ang Hollywood actor na si George Clooney sa nagsagawa ng kilos protesta para sa mga pagbabago sa entertainment industry.

Miyembro kasi ang actor sa Screen Actors Guild-American Federation of Television and Radio Artists (SAG-AFTRA) na nagsagawa ng kilos protesta sa labas ng film and television studio.

Ang nasabing grupo ay siyang pinakahuling sumama sa entertainment writers na nagsimulang magprotesta mula pa noong nakaraang dalawang buwan.

Nakiisa rin sa kilos protesta ang mga actors na sina Constance Zimmer, Lisa Edelstein, and SAG-AFTRA president Fran Drescher.

Nanawagan ang mga ito ng pantay na pagtrato sa mga nagtatrabaho sa industry at hindi lamang nabibigyan ng halaga ang mga artista.

Ilan sa mga ipinaglalaban nila ay ang tamang pasahod lalo na ngayong panahon na usong-uso ang mga live video streaming.