Nanawagan ang Gabriela Party-list sa Department of Justice (DOJ) na maglabas na ng hold departure order laban kay Pastor Apollo Quiboloy at sa iba pang mga opisyal ng Kingdom of Jesus Christ, the Name Above Every Nation.
Ginawa ito ng nasabing grupo kasunod na rin nang pagsasampa ng kasong sex trafficking sa Amerika laban kay Quiboloy at iba pa nilang church officials dahil sa pang-aabuso umano ng mga ito sa mga menor de edad.
Kasabay nito ay hinihimok nila ang pamahalaan ng Pilipinas na makipagtulungan sa US authorities sa kasong ito.
Ito ay sa kabila na rin ng ipinapakitang loyalty ni Quiboloy kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Dapat magkaroon naman anila ng special protection mechanisms para sa iba pang mga biktima na nais magsalita at tumestigo sa naturang church leader.