Pina-iimbestigahan ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar sa Cebu City Police Office at Regional Criminal Investigation and Detection Group (RCIDG) na imbestigahan ang napaulat na hoarding ng oxygen tanks at medical supplies sa Cebu.
Ito’y matapos na humingi ng tulong sa PNP at DTI si Cebu City Vice Mayor Michael Rama kaugnay nito.
“I have directed the Cebu City Police and the Regional Criminal Investigation and Detection Group to closely coordinate with the DTI office in the area and look into this report of hoarding,” pahayag ni Eleazar.
Inatasan ni Eleazar ang mga concerned Police Units na makipag-coordinate sa DTI para mapigilan ang pag-iimbak ng mahahalagang medical supplies.
Sa panahon aniyang ito ay kritikal ang pangangailangan ng mga supply na ito para sa mga biktima ng Covid 19.
Pinasisilip din ni Eleazar kung may hoarding din na nagaganap sa NCR ng mga oxygen tanks at medical supplies.
“Pati dito sa Metro Manila ay aalamin din natin kung may mga ganitong insidente. Ngayon natin mas kailangan ng sapat na suplay ng oxygen tanks dahil sa tumataas na bilang ng COVID-19 cases dahil na rin sa mas nakahahawang Delta variant,” dagdag pa ni Eleazar.