-- Advertisements --
image 272

Binigyang diin NG Bangko Sentral NG Ph na ang hindi sapat na data at mga pagbabago sa disenyo ay dahilan kung bakit naantala ang pag-imprenta ng mga pisikal na national ID card.

Ang pahayag ay inilabas ni Senior Assistant Governor Iluminada Sicat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Philippine Statistics Authority chief Dennis Mapa nang tanungin kung bakit nasa 36 milyong physical national ID card lamang ang nai-print simula noong naipasa Ang batas noon 2018.

Dagdag dito, mayroon pang 75.4 milyong national ID card ang inisyu sa paraan ng digital.

Ayon sa mga opisyal, may mga operational challenges na nangangahulugang hindi sapat na daloy ng data, mga pagbabago sa disenyo na humantong sa pagkaantala sa personalization at produksyon ng Philippine ID card.

Sa kasalukuyan, pinag-aaralan ng BSP ang legal at operational option patungkol sa service provider.

Ang BSP kasi ay ang ahensya ng gobyerno na namamahala sa pag-imprenta ng mga ID.

Una nang sinabi ng PSA na ang orihinal na target ng BSP, ay mag-print ng 126,000 card kada araw ngunit ang bilang na ito ay binago nang husto dahil sa pagbabago ng QR code at iba pang mga hamon na kinakaharap ng dalawang ahensya.