-- Advertisements --
Hindi bababa sa 21 katao ang namatay at 18 ang sugatan matapos ang isang bus na naghahatid ng mga turista sa isang campground ay bumagsak sa isang overpass malapit sa Venice Italy at nasunog.
Ang bus ay lumihis sa kalsada at nahulog malapit sa mga linya ng tren sa distrito ng Mestre, na konektado sa Venice sa pamamagitan ng isang tulay.
Ayon sa mga awtoridad, hindi malinaw ang sanhi ng aksidente at kasalukuyan pang nagsagawa ng masusing imbestigasyon.
Dagdag dito, ang nasabing bus ay may lulan na 40 pasahero, kung saan 21 ang namatay at 18 ang malubhang nasugatan.
Maaari pang ng tumaas ang bilang ng mga nasawi dahil ilan sa mga nasaktan ay nasa kritikal na kondisyon.