-- Advertisements --
Tinanggihan ng Sandiganbayan Fifth Division ang mosyon ni Senador Jinggoy Estrada na makadalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa pitong pahinang resolusyon na inilabas noong Hulyo 9, 2026, sinabi ng korte na ang mosyon ni Estrada ay “bereft of merit” o walang sapat na batayan.
Ayon sa Sandiganbayan, bagama’t mahalaga ang impeachment trial sa konstitusyon, hindi ito maituturing na “emergency” o “compelling temporary leave.”
Dahil dito, hindi pinayagan si Estrada na makalabas ng kulungan upang gampanan ang kanyang tungkulin bilang senador-judge sa naturang paglilitis.
Matatandaang nakadetine si Estrada dahil sa kasong plunder na may kaugnayan sa umano’y anomalya sa pondo ng flood control project.
















