Inihayag ng Deparment of Energy (DOE), nakatipid ng halos 145.43 megawatts na enerhiya ang bansa dahil sa pakikiisa nito sa Earth Hour na siyang nagsimula 8:30pm hanggang 9:30pm nitong Sabado, Marso 28.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOE na batay sa kanilang datos, nakatipid ng halos 75.25 MW na enerhiya ang malaking bahagi ng Luzon, 66.6 MW sa Visayas at 3.58 MW naman ang naitala sa Mindanao.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, ang pakikiisa ng mga Pilipino sa annual Earth Hour ay nangangahulugan lamang na kayang makamit ng bansa ang makabuluhang pagbaba sa konsumo sa enerhiya.
Ito rin aniya ay isa lamang paalala na ang pagtitipid ng enerhiya ay hindi lamang ipinapatupad sa loob ng isang oras ngunit isinasabuhay sa pangaraw-araw na gawain.
Samantala, hinimok naman ng Energy Department ang publiko na ipagpatuloy lamang ang Earth Hour hindi lamang bilang taunang obserbasyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga energy-efficient practices at maging sa trabaho.












