-- Advertisements --

Naaresto ng mga otoridad ang isang 30 anyos na lalaki matapos ang isinagawang controlled delivery operation ng pinagsanib-pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency-7, Bureau of Customs at NAIA Anti-drug Interdiction Task Group kaninang hapon sa Brgy. Pasil nitong lungsod kung saan nasabat ang delivery package ng ecstasy tablet.

Nakilala ang naaresto na si Lonil Padin na siyang receiver ng package at residente ng Brgy. Suba nitong lungsod ng Cebu.

Nakumpiska ang 2,984 pcs ng ecstacy na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P6.7M pesos.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, may nagpadala pa umano ng package nito mula sa bansang Netherland kaya pinaplano ang operasyon.

Noong Hunyo 10 ng kasalukuyang taon pa umano dumating ang nasabing package.

Ayon pa sa suspek na inutusan lang umano ito ng kanyang kaibigan na kasalukuyang nakadetain sa kulungan.

May nakuha na ring pangalan ang mga otoridad kung sino ang nagpadala nito at patuloy pa ang isasagawang malalimang imbestigasyon kaugnay nito.