-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Nagpapatuloy ang ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection hinggil sa pagkasunog ng isang barko na naka-dry dock sa GenSan shipyard sa Tinoto, Maasim, Sarangani.
Ayon kay Maasim Municipal Fire Marshal SFO3 Rommel Lumanta, hindi pa matukoy ang pinagmulan ng apoy na tumupok sa barko na pagmay-ari ng Frabelle Fishing Corporation.
Dagdag ni Lumanta na kanilang nirespondehan pasado alas-11:00 ng tanghali ang nasunog na barko matapos nakatanggap ng tawag.
Kahit ang mga laborer na nagtrabaho sa lugar ang biglang nagsitakbuhan palayo sa barko nang biglang marining ang malakas na pagsabog kasunod ng paglabas ng apoy sa gitnang bahagi.
Nasa 10 firetruck ang nagtulungan para maapula ang apoy.