DAVAO CITY – Walang tigil ang ginagawang buy bust operation ng otoridad ngayong kuwaresma kung saan higit isang milyon ang kanilang narekober mula sa mga suspek.
Isinagawa ng Toril PNP ang operasyon sa Purok Tambancan, Brgy. Lizada, Toril nitong lungsod kung saan nahuli ang suspek na nakilalang si alyas Jong-jong, 43 anyos, walang trabaho at alyas Remedios, 34 anyos, overseas recruitment agent, parehong residente ng Purok 1-A, Trading Boulevard.
Nabilihan ng otoridad ang mga suspek ng isang pakete ng illegal drugs na tumitimbang ng 4.82 grams.
Ngunit ng ginawa ang inspeksiyon, narekober pa ng otoridad ang apat na mga pakete ng shabu na tumitimbang ng 64.21 gramos at nagkakahalaga ng P1.28 million.
Una ng napag-alaman na si alyas Jongjongay kinokonsidera na Top 4 samantalang si Remedios ay top 9 Regional Level High Value Target ng otoridad.
Parehong nakakulong ngayon ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.