-- Advertisements --

Mahigit sa kalahati na ng target population sa Metro Manila ang fully vaccinated na kontra COVID-19, ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.

Ayon kay Galvez, 52.2 percent na ng target population o nasa 5 million na residente ang kumpleto na sa bakuna habang 81.72 percent o nasa 8 million residente naman ang naturukan ng first dose.

Samantala, mahigit 15 million nang Pilipino sa buong bansa ang fully vaccinated na kontra COVID-19 habang 20.8 million naman ang naturukan ng first dose hanggang noong Setyembre 5.

Target ng pamahalaan na makamit ang “population protection” sa Metro Manila at mga kalapit na lugar para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 at para makatulong sa pagbuhay ng ekonomiya ng bansa.vaccinat